183

Jul 30, 2021 @ 10:43
By

NCR balik ECQ mula Agosto 6 hanggang 20 — Palasyo

Isasailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Metro Manila mula Agosto 6 hanggang 20 ayon kay Palace spokesperson Harry Roque ngayong Biyernes.

Binago ang quarantine status ng NCR mula general community quarantine with heightened restrictions na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte nito lamang Miyerkoles.

Ipinatupad ang mahigit 2 linggong mas mahigpit na lockdown dahil sa COVID spike at patuloy na pagkalat ng Delta COVID variant sa NCR.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?