11

Jan 10, 2021 @ 11:30

NCR, 3 pa priority LGU sa Covid bakuna

Prayoridad umano sa pag-aangkat ng COVID-19 vaccine ng mga local government unit (LGU) ang mga lugar na may matataas na kaso ng coronavirus.

Ayon ito kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Kasama aniya sa mga LGU na kailangang unahin ang National Capital Region, Calabarzon, Cebu, at Davao.

Kapag aniya nakakuha na ng bakuna ang mga nasabing LGU, dapat unang turukan ng bakuna ang mga medical frontliner, mga senior citizen, mga pulis at mga sundalo na kanilang nasasakupan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?