36

By

NCAA: Unang panalo nasungkit ng Altas sa ilalim ni Lim

Sharing is caring!

Nakapagtala ang University of Perpetual Help System Dalta ng kanilang unang panalo sa senior men’s basketball ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) Season 94 matapos nitong alpasan ang Colegio de San Juan de Letran Knights, 78-75, ngayong Biyernes ng gabi sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.

Inamin ni Altas head coach Frankie Lim na masaya siya na makuha ang kanyang unang panalo sa kanyang pagbabalik sa collegiate league.

“First win in my NCAA comeback, well it’s nice kasi it’s against the strong team. I consider Letran up there with the top three, San Beda, LPU and Letran and we beat Letran so medyo malaking victory ‘to for us,” ani Lim.

Giniit din ni Lim na mababalewala ang kanilang panalo laban sa Letran kung matatalo sila ng Arellano University Chiefs at Emilio Aguinaldo College Generals sa kanilang paghaharap.

Pinuri niya rin ang bench players niya na sina Rey Peralta, Rommel Mangalino, at Jasper Cuevas dahil sa magandang inilaro ng mga ito.

“I think they help us a lot especially nu’ng na-four fouls si Charcos (Edgar), they came out and play,” dagdag nito.

Nanguna para sa Altas si Charcos na rumehistro ng 27 puntos, sa likod ng tatlong tres, 2 rebounds at 4 assists habang si Jelo Razon naman ay may 13 puntos, 7 rebounds at 1 assist.

Sa panig ng Knights, kumana ng 15 puntos, 8 rebounds at 6 assists si John Quinto habang may 14 puntos, 3 rebounds at 3 assists si JP Calvo.

Sunod na makakalaban ng Altas ang tropa ng Arellano sa Hulyo 17 ng alas-12:00 ng tanghali sa San Juan Arena.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?