27

Jun 12, 2021 @ 10:52
By

NCAA Season 96 sisipa na

Magsisimula na ang bagong season ng unang athletic league sa bansa na National Collegiate Athletic Association (NCAA) sa Linggo, June 13.

Mapapanood ito sa bago nilang tahanan na GMA Network at may temang “Rise Up Stronger: NCAA Season 96”.

Ipamamalas sa NCAA ang mga talento ng mga batang Filipino student-athlete mula sa sampung miyembrong eskuwelahan na iho-host ngayon ng Colegio de San Juan de Letran.

Kabilang sa magpapasiklab sa Opening Ceremony sina Asia’s Nightingale Lani Misalucha, Soul Diva Aicelle Santos at Kyline Alcantara.

Dahil sa pandemya, hindi pinayagan ang mga contact sport tulad ng basketball at volleyball kaya sisimulan ang Season 96 ng virtual taekwondo competitions sa June 14 at poomsae events para sa men’s, women’s at juniors’ divisions hanggang June 17.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?