215

Aug 3, 2018 @ 17:17
By

NCAA: San Beda tuloy sa pagragasa

Patuloy ang paglagablab ng defending champions San Beda Red Lions nang masungkit nito ang ikaapat na sunod na panalo kontra Mapua Cardinals, 88-70, sa seniors men’s basketball sa NCAA Season 94 nitong Biyernes.

Nagtapos ng double-double si Javee Mocon na may 22 puntos at 16 rebounds habang si Donald Tanouka ay may 17 puntos at pitong rebounds.

Ayon kay San Beda head coach Boyet Fernandez, kailangan pa nilang matutunan kung paano maging consistent pagdating sa kanilang laro.

“We just have to be consistent, learn to be consistent how to play the game. We did the good job in the first quarter but we give up 25 points to Mapua in the second quarter, again the boys really play well,” saad ni Fernandez.

Para naman kay Mocon, ang laro niya ngayon ay bounce-back game niya dahil sa masama niyang nilaro noong huling laro niya.

Inamin din nito na hindi nila inaasahan ang mga laro ng bawat tropa ngayong season at marami aniyang malakas o mahinang team.

“Sobrang unexpected lahat kasi you’ll never know, walang mahina, walang malakas. LPU or EAC may chance naman talunin kami, so we just have to prepare every game,” ani Mocon.

Pinangunahan ng rookie na si Warren Bonifacio ang Mapua na rumehistro ng 19 na puntos, 12 rebounds at isang assist at si Cedric Pelayo naman ay may 15 puntos at isang assist.

Hawak pa rin ng San Beda ang 4-0 na baraha habang ligwak naman ang Mapua sa 2-3 katabla ng College of Saint Benilde Blazers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?