112

Oct 6, 2018 @ 12:06
By ,

NCAA: Quinto emosyunal nang makita si Balanza

Standings W L

San Beda 14 1

Lyceum 14 2

Letran 11 4

Perpetual 10 5

St. Benilde 8 7

Arellano 5 10

San Sebastian 4 11

Mapua 5 11

EAC 4 12

JRU 2 14

Mga Laro sa Martes:

(FilOil Flying V Centre)

2:00 p.m. – Letran vs San Sebastian

4:00 p.m. – Perpetual Help vs EAC

Hindi pinayagan ng Colegio de San Juan de Letran Knights na maulit ang bangungot na pinaranas sa kanila ng Lyceum of the Philippines University Pirates sa unang round ng NCAA 94.

Sa muli nilang pagkikita, kinapitan nang husto ng Knights ang kanilang sarili para makabawi at ipasalap sa Pirates ang ikalawa nilang talo sa eliminations ng liga 80-79 Biyernes sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

“Good win ba? Or big win for us? Wala, basta panalo kami ganun lang kasimple ‘yun . Siguro, credits to the players especially kay Bong (Quinto), even though foul trouble siya, kinompose niya sa sarili niya,” wika ni Letran coach Jeff Napa.

Hindi naman pinahiya ni Quinto ang kanyang tropa dahil isa ito sa nanguna sa Knights para pabagsakin ang isa sa top 2 teams at pumoste ng 20 puntos, pitong rebounds, apat na assists at isang steal.

Naging emosyonal din si Quinto dahil nanuod sa kanilang laro ang teammate nilang si Jerrick Balanza na kamakailan lang ay sumailalim sa isang operasyon sa utak.

“Number one talaga siyempre frustration ko, kasi ‘yun nga, nakaupo ka sa bench, wala kang matulong. Tapos may narinig akong boses na ‘Bong’ ta’s pagtingin ko nakita ko si Jerrick (Balanza),” kwento ni Quinto.

Nag-iba rin aniya ang kanyang pakiramdam ng muling makita ang isa mga tinuturing niyang kapatid sa kanilang koponan.

“Sabi ko nga kahapon, ‘nakakamiss ‘yung practice wala si Jerrick’. Iba ‘yung feeling na ‘yung teammate namin andyan, ‘yun nga siyempre ‘yung kapatid namin nakasama namin,” maluha-luhang wika nito.

Halos dikit ang laban ng dalawang tropa at talagang kinapitan nila nang husto ang isa’t isa at sa kalagitnaan ng second canto ay mas naging tensiyonado ang laro ng matawagan ng Technical Foul dahil sa pag-alma nito sa hindi pagpito ng referee.

Mas naging mainit ang sumunod na mga quarters dahil hindi sinukuan ng Knights ang laro at pinilit nitong makahabol at malamangan ang Pirates.

Ang three-point play ni Quinto sa huling 6:13 minuto ang nagpatabla sa laro sa 71, at unti-unting ginapang ng Letran ang laro hanggang makalamangan ng tatlong puntos, 80-77 sa huling 1:27 na laro.

Ang huling tres sana ni Jaycee Marcelino sa huling 40:8 segundo ang magdadala sa laro sa overtime pero ni-review ito at two-point shot lang ayon sa mga game official.

Nanguna sa Pirates si Mike Nzeusseu na may 25 puntos at 10 rebounds at ito na ang ikalawang talo ng Pirates sa eliminations na bitbit ang 14-2 na baraha.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?