196

Nov 16, 2017 @ 9:46
By

NCAA: Pirates walisin ng Lions

Laro ngayon (Smart Araneta Coliseum)

3:30 p.m. – SBC vs LPU

Game 2 na ng 93rd NCAA basketball tournament, pareho ang nasa kukote nina MVP CJ Perez ng Lyceum at San Beda cager Javee Mocon.

Ang makabawi.

Yumuko ang Pirates sa Game 1 pero buo ang loob ni Perez na bumawi upang makahirit ng do-or-die Game 3.

“Kailangan namin bumawi,” saad ni Perez. “Wala namang nagbago sa nararamdaman ko nga­yon, gagawin pa rin namin ‘;yung best namin.”

Dalawang beses yumuko ang Red Lions sa Pirates sa elimination round kaya nais ni Mocon na walisin ang kanilang kalaban.

“Sila ang nakatalo sa amin, dalawang beses pa sa elimination kaya gusto namin sweep din sa Finals,” hayag ni Mocon.

Magsasalpukan ang Pirates at Red Lions ngayong hapon sa Smart Araneta Coliseum, kailangan itodo ng Lyceum ang lakas para humaba pa ang hininga.

Kakapit si Pirates coach Topex Robinson kina Perez, Rookie-of-the-Year Jaycee Marcelino at kapatid na si Jayvee, Jesper Ayaay at Mike Nzeusseu.

Kina Mocon, Robert Bolick at Donald Tankoua naman sasandal si SBC coach Boyet Fernandez para sikwatin ang back-to-back titles.

“Gusto naming patunayan na kami ang best team,” ani Mocon. (Elech Dawa)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?