78

Nov 10, 2017 @ 10:43
By

NCAA Finals: San Beda-Lyceum giyera na!

Mga laro ngayon: (Smart Araneta Coliseum)

1:00 p.m. – LSGH vs Mapua
3:30 p.m. – Lyceum vs San Beda

Natupad ang inaasam ng Lyceum of the Philippines at defending champion San Beda ang lumaro sa finals ng 93rd NCAA basketball tournament.

Inasam ng Red Lions na magtuloy ang kanilang tradisyon na palaging lumalaro sa championship round, pang 12 na nila matapos talunin ang San Sebastian sa stepladder semifinals.

Magpanalo lang sa mga laban ang iniisip ng Pirates para sumampa sa Final Four pero dahil winalis ang 18-game elimination round diretso na sila sa Finals.

Pareho ang nasa kukote nina LPU head coach Topex Robinson at SBC mentor Boyet Fernandez, “Hindi pa tapos ang giyera.”

May unfinished business pa sila. Sa Lions para mabawian ang Lyceum at ituloy ang tradisyon. Sa Pirates para kompletuhin ang dominasyon at ipagsigawan na karapat-dapat sila sa liga.

Magtutuos ang Pirates at Red Lions sa Game 1 ng best-of-three finals ngayong alas-3:30 ng hapon sa Smart-Araneta Coliseum.

“We’re happy, but we still have job to do against LPU,” ani Fernandez na huhugot ng puwersa kina Do­nald Tankoua, Robert Bolick at Javee Mocon.

“My players know that the job isn’t done yet,” ani naman ni Robinson. na ipananargo sina CJ Perez, Jaycee at Jayvee Marcelino at Jasper Ayaay.

Dalawang beses tiniris ng Intramuros-based squad LPU ang San Beda sa elimination round kaya inaasahang gagawin lahat ng Red Lions para makabawi at manatili ang korona sa kanilang bakuran.

“Underdog kami but we’ll find a way to win,” wika ni Fernandez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?