21

Jan 13, 2022 @ 9:30
By

NCAA desidido buksan season sa Marso

Buo ang loob ng pamunuan ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) na buksan ang ika-97 season sa Marso 5, sa kabila ng muling pagtaas ng mga kaso ng COVID.

Ang Season 97 ay iho-host ng College of St. Benilde.

Ayon kay Stephen Fernandez, sports director ng St. Benilde, nakahanda na ang NCAA para sa online competition gaya ng chess, poomsae at speed-kicking. Ang mga nabanggit na palaro ay ginanap din sa Season 96 na naging virtual at maikli dahil sa pandemya.

Asam pa rin ng NCAA na muling mabuksan ang mga popular na contact sport gaya ng basketball at volleyball.

“We at St. Benilde have prepared for bubble training in basketball and volleyball before the change in the alert level classification, but now just like other member schools, we are waiting for the go-signal,” wika ni Fernandez.

Aniya, hihingi ng permiso ang NCAA na mailaro ang basketball at volleyball kahit ang lugar ay nasa Alert Level 3 o mas mataas pa na alert level. (MJD)

Abantelliling with Ritz Azul

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?