72

Aug 21, 2019 @ 17:56
By

NCAA: Coach Lim balik sa Perpetual

Balik sa pagmamando si coach Frankie Lim matapos ang nakaraang kontrobersyal na pagliban niya sa Perpetual Altas noong nakaraang linggo.

Isang laro lang ang itinagal na indefinite leave ni coach Frankie matapos saluhin at panalunin ni coach Myk Saguiguit ang laban ng Perpetual kontra Emilio Aguinaldo College Generals nitong Martes.

“Back in practice. Preparing for our next game,” pahayag niya sa text sa Spin.ph.

Matatandaan na humingi ng indefinite leave si coach Frankie matapos silang tambakan ng San Beda Red Lions ng 46 points sa iskor na 102-56 nitong nakaraang Biyernes na ginanap sa FilOil Flying V Centre.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?