35

Oct 15, 2019 @ 17:20
By

NCAA: Bonifacio, Mapua humihinga pa

Nagtala ng 15 puntos si Warren Bonifacio upang akbayan ang Mapua Cardinals sa 85-81 panalo laban sa Perpetual Help Altas sa unang laro ng 95th NCAA men’s basketball tournament, Martes sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Nakatuwang ni Bonifacio sa opensa sina Laurenz Victoria at Noah Lugo kaya naman nanatiling buhay ang tsansa ng Cardinals sa sumampa sa susunod na phase.

Tangan ng Intramuros-based squad Mapua ang 9-8 karta, nasa panglimang puwesto sila ng team standings, kailangan nilang manalo sa kanilang huling laro upang makahirit ng playoff sa semifinals.

“Ang hirap talunin ng Perpetual, pero kita ko sa mga mata ng mga bata na gusto nilang manalo,” saad ni Mapua head coach Randy Alcantara.

Kumana si Victoria ng 14 pts. may inambag na 12 puntos si Lugo habang tig-11 markers ang binira nina Cyril Gonzales at Denniel Aguirre.

Tumikada si Ben Adamos ng 25 puntos para sa Altas na nalasap ang pang-12 talo sa sa 17 salang, 19 ang tinipa ni Kim Aurin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?