25

Oct 18, 2019 @ 17:39
By

NCAA: Benilde panalo pero laglag sa ‘Magic 4’

Humarurot si Yankie Haruna ng 13 points upang akbayan ang College of Saint Benilde Blazers sa 68-62 panalo laban sa Mapua Cardinal sa ikalawang laban ng NCAA 95 men’s basketball tournament kahapon sa FilOil Flying V Center, San Juan.

Laglag sa top four ang Blazers pero kahit paano ay maganda ang pagtatapos ng kanilang season dahil nagtala sila ng back-to-back wins at ilista ang 9-9 karta.

Nabitin ang College of saint Benilde sa asam nilang pagsampa sa susunod na phase dahil 11-7 ang baraha ng No. 4 na San Sebastian College Stags na haharapin sa stepladder ang No. 3 na Letran Knights.

Magsisimula ang stepladder sa November 5 (Martes).

Kasalo ng Taft-based squad CSB sa fifth spot ang biktimang Cardinals.

Namuno sa opensa para sa Mapua si Nah Lugo na may 13 markers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?