527

Dec 8, 2020 @ 13:53

NBI’s Manguerra binaril, dedo

Habang mag-isa sa kanyang opisina ay binaril ang pinuno ng National Bureau of Investigation (NBI) Counter-Terrorism Division na si Raul Manguerra.

Ayon kay NBI Director Eric Distor, sinugod ang opisyal sa ospital na pinakamalapit sa bureau bago maghatinggabi noong Lunes.

Pumanaw si Manguerra kaninang madaling-araw, Disyembre 8, dahil aniya sa komplikasyon mula sa isang tama ng baril sa tiyan.

“We mourn his passing. He is one of our decorated CTD operative who was instrumental in the capture of 39 Abu Sayyaf members. He also led his men in preventing attempted terror attacks in the country,” ani Distor.

Dagdag niya, iniimbestigahan na nila ang insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?