39

Jun 3, 2020 @ 11:24
By

NBI umabuso sa subpoena power – De Lima

Naghain si Senadora Leila de Lima na isang resolusyon na naglalayong imbestigahan ang posibleng pag-abuso sa subpoena powers ng National Bureau of Investigation (NBI), matapos nitong ipatawag ang ilang private citizen kaugnay ng kanilang social media post tungkol sa COVID-19 pandemic.

Sa Senate Resolution No. 419, sinabi ng senadora na naalarma ang ilang grupo hinggil sa paggamit ng naturang kapangyarihan bilang instrumento sa pagsupil sa free expression ng isang indibidwal.

“It is necessary to determine whether the Constitution and statutes are violated in the issuance of NBI of subpoenas against social media posts which merely express an opinion on matters relating to their and the rest of the society’s rights,” sabi ni De Lima.

Sa Section 4 (b) ng NBI Reorganization and Modernization Act, binibigyan ang NBI ng kapangyarihan na mag-isyu ng subpoena sa appearance ng isang indibidwal para humarap sa isang imbestigasyon.

Nauna nang inatasan ni Justice Secretary Menardo Guevara ang NBI na habulin ang mga nagpapapakalat ng maling impormasyon na may kinalaman sa COVID-19.

Inutusan naman ni NBI Director Eric Distor ang lahat ng unit ng ahensiya na imbestigahan ang lahat ng posibleng source ng fake news sa social media.

“[The NBI and DOJ also failed to explain] how the aforementioned social media post fall within the NBI’s reported goal of issuing subpoenas to prevent the propagation of ‘those reports that sow chaos and will lead to unrest and anarchy in the country’,” sabi ni De Lima.

Pinaalalahanan ng senador ang gobyerno na ang dapat nitong laban ay sa nakamamatay na virus at hindi sa mga pribadong mamamayan na ginagamit lang ang kanilang karapatan sa free speech.

“Public scrutiny is necessary in exposing the response made by the government and its officials to the impact of the crisis brought about by the COVID-19 pandemic, and in engendering a free exchange of ideas between society and government agencies to help solve the crisis,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?