127

Jul 30, 2018 @ 10:01
By

NBI tutugisin din sina Satur Ocampo, Teddy Casino at iba pa – DOJ

Tutulong umano ang National Bureau of Investigation (NBI) sa pagtunton at pagsisilbi ng arrest warrant na inisyu ng mababang hukuman sa Nueva Ecija laban kina dating Congressman Satur Ocampo at Teddy Casino, Anakpawis Representative Rafael Mariano at National Anti Poverty Commission (NAPC) Secretary Liza Maza.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, gagampanan ng NBI ang mandato na tumulong sa pagsisilbi ng mandamyento na inisyu ng Nueva Ecija, Palayan City Regional Trial Court.

“As a law enforcement agency the NBI will help, in compliance with a warrant duly issued by the court,” saad ni Guevarra sa isang text message.

Katunayan, hindi na raw kailangan pa ng kalihim na mag-isyu ng kautusan para ipatupad ng NBI ang arrest warrants.

“All warrants of arrest are addressed to all law enforcement officers, including the NBI, commanding them to arrest the person of the accused wherever the latter may be found,” dagdag ni Guevarra.

Ang utos na pag-aresto sa mga lider-militante ay nag-ugat sa reklamong inihain noon pang 2006 dahil sa nangyaring pagpatay sa mga magsasaka na sina Danilo Felipe, Carlito Bayudang at Jimmy Peralta noong 2001 at 2004. /

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?