43

Mar 20, 2020 @ 19:30
By

NBI, tuloy ang trabaho sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic

Tuloy ang trabaho ng National Bureau of Investigation (NBI) sa kasagsagan ng coronavirus disease o COVID-19 pandemic at Enhanced Community Quaratine sa Luzon.

“Tuloy pa rin po ang duty ng mga agents natin sa investigative at intel at mga support unit like forensics and security (our agents remain on duty including those in the investigative, intelligence, and support units like forensics and security),” saad ni NBI Officer-In-Charge Director Eric Distor nitong Biyernes.

“Other units and agents on stand by and on call if needed, especially our agents and forensics by DOH (Department of Health) and other frontliners.”

Ipinunto rin ni Distor na ipinakalat na nila ang kanilang mga agents sa mga crime reported areas habang tutulong at roronda rin sa Manila at iba pang lugar ang NBI forensic team.

Sambit pa nito, “NBI still accepts complaints and conducts raids and arrest criminals and will will continue this across the country,”

Ibinahagi rin ni Distor na prayoridad at tututukan nila ang mga anti-overpricing at anti-hoarding activities.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?