18

Feb 26, 2021 @ 18:37
By

NBI solong pinaiimbestiga ni Duterte sa PDEA-PNP shootout

Ipinatigil ni Pangulong Rodrigo Duterte ang joint investigation ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa shootout na naganap sa kanilang mga tauhan sa Commonwealth Avenue, Quezon City.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang National Bureau of Investigation (NBI) na lamang ang tututok sa imbestigasyon at nais matiyak na magiging patas ang pagsisiyasat.

Hindi aniya maiwasang mag-isip dahil ang mga iniimbestigahan ay kapwa tauhan ng PNP at PDEA.

“President Rodrigo Duterte has directed the NBI to conduct a probe on the shootout in Commonwealth Avenue, Quezon City. This is to ensure impartiality on the incident,” ani Roque.

Dahil dito, iniutos na ng Pangulo sa joint panel ng PNP at PDEA na itigil na ang ginagawang imbestigasyon.

“Yung mga binuo na joint panel para imbestigahan ‘yan na binuo ng PNP at PDEA ay hindi na magtutuloy sa kanilang imbestigasyon. Tanging NBI lang po sang-ayon sa ating Presidente ang magtutuloy ng imbestigasyon,” dagdag ni Roque.

Idinagdag ng kalihim na legal na may mandato ang NBI na mag-imbestiga lalo na kung ang sangkot sa insidente ay mga otoridad o men in uniform.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?