30

Sep 23, 2021 @ 15:05

NBI sasali sa imbestigasyon sa pagkamatay ni Bree Jonson

Nagpadala ang National Bureau of Investigation (BIR) ng isang forensics team sa La Union upang tumulong sa imbestigasyon sa pagkamatay ng artist na si Bree Jonson.

“Crime Scene Investigation Team (Forensics) motored to La Union this morning to process the crime scene thereat,” pahayag ni NBI Deputy Director Ferdinand Lavin.

Magsasagawa rin umano ng autopsy ang NBI sa bangkay ni Jonson, na natagpuang walang malay sa loob ng resort room na inarkila nila ni Julian Ongpin noong Sabado.

Bukod dito, hihilingin ng NBI sa pulisya na ibahagi sa kanila ang iba pang ebidensyang una ng nahanap.

Ayon sa paunang ulat ng mga pulis, asphyxia ang ikinamatay ni Jonson at nagpositibo rin sa cocaine – ang drogang natagpuan ng mga awtoridad sa kwarto nila ni Ongpin.

Samantala, bagamat nahulihan ng cocaine at nagpositibo sa droga, pinakawalan si Ongpin habang umaandar pa ang imbestigasyon.

Nakabantay naman ang Bureau of Immigration sa posibilidad na lisanin ni Ongpin ang bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,