21

By

NBI, sasabak na rin sa anti-illegal drugs ops

Sharing is caring!

Balik na uli sa operasyon kontra iligal na droga ang National Bureau of Investigation (NBI).

Kinumpirma ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na kaninang umaga ay nagpalabas na siya ng department order (DO) na nag-aatas sa NBI para muling magsagawa ng operasyon laban sa iligal na droga.

“I already issued the DO directing the NBI to resume its anti-illegal drugs operations,” saad ni Aguirre sa text message.

Ang kautusan ay kasunod ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na tumulong ang NBI at Philippine National Police (PNP) sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa mga operasyon laban sa iligal na droga.

Halos dalawang buwan din na nasuspinde ang mga anti-illegal drugs operation ng NBI matapos na iutos ni Pangulong Duterte noong Oktubre na ang PDEA na ang mangangasiwa ng lahat ng operasyon kontra droga.

Noong Pebrero ng taong ito, nauna na ring inalis ni Pangulong Duterte ang NBI at PNP sa drug war dahil sa kaso ng Koreanong negosyante na si Jee Ick Joo, pero makalipas ang mahigit isang buwan, bumalik uli ang NBI at PNP sa drug war matapos silang bigyan ng go-signal ng Punong Ehekutibo. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?