300

Oct 28, 2021 @ 19:54
By

NBI pina-subpoena si Annabelle Rama

Naglabas ang National Bureau of Investigation (NBI) ng subpoena laban sa talent manager na si Annabelle Rama.

Kaugnay ito sa isinampang cyber libel complaint laban sa kanya ng dating alalay ni Senador Manny Pacquiao na si Jayke Joson.

Ayon sa ulat, ipinadala na ng NBI Special Projects Team ang subpoena nitong Huwebes pero isang village security guard ang tumanggap nito.

Ipinatawag si Rama ng NBI upang ilahad ang kanyang panig sa Nobyembre 3 ng alas-2 ng hapon.

Nag-ugat ang kaso sa mga social media post ni Rama kung saan inakusahan umano nito si Joson na magnanakaw ng pera ni Pacquiao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?