172
NBI pasok sa Silawan murder case
By

NBI pasok sa Silawan murder case

Inatasan ni Department of Justice (DOJ) Sec. Menardo Guevarra ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan na rin ang kaso ng pagpaslang kay Christine Lee Silawan sa Lapu-Lapu City, Cebu.

Sa inilabas nitong Department Order 117, binigyan nitong ng awtorisasyon ang NBI na magsagawa ng imbestigasyon at case build-up sa murder case ni Silawan.

Matatandaang natagpuang patay si Silawan noong Marso 11 sa nabanggit na siyudad kung saan binalatan ang mukha nito at tinanggal ang ilang lamanloob.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?