57

Oct 5, 2017 @ 11:56

NBI out na sa Castillo slay case

Ipinatitigil na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa National Bureau of Investigation (NBI) ang pag-imbestiga sa kaso ng hazing victim na si Horacio Castillo III, at sa halip ay ang Manila Police District na ang hahawak sa imbestigasyon.
Ito ay matapos makipagkita sa Pangulo ang magulang ng biktima na sina Horacio Jr. at Carminia Castillo kahapon sa Malacañang.
Idinulog ng mag-asawang Castillo ang concern nila sa Pangulo dahil pakiramdam umano ng mga ito ay  may mga tao na nagtatangkang impluwensiyahan ang NBI.
Agad namang kinausap ni Pangulong Duterte ang hepe ng MPD at inatasan na sila na ang hahawak sa kaso ni Atio Castillo at  sa MPD lang makikipag-usap  ang mga ito.
Kaugnay naman sa mga suspects na pinaniniwalaang nagtatago na sa ibang bansa, sinabi ng Pangulo na ipapahanap sila sa interpol habang ang mga hindi pa nakakalabas ng Pilipinas ay  nakapaskel na ang pangalan sa lahat ng mga exit point sa bansa.
“Yung immigration has a watch list. Nandoon yan sila sa —its an american invention. It’s a phrase called “persons of interest” but actually our Revised Penal Code says “suspects”, ang pahayg ng Pangulo.(Aileen Taliping)
Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?