47

Sep 22, 2020 @ 14:27
By

NBI official tumanggap ng suhol sa ‘pastillas’ gang tiklo

Isang opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dinakip noong Lunes dahil sa diumano’y pagtanggap ng suhol mula sa mga sangkot sa ‘pastillas’ modus sa loob ng Bureau of Immigration (BI).

Sa pagdinig ng Senate committee on women, children, family relations, and gender equality, tinanong ni Senadora Risa Hontiveros si Atty. Janet Francisco, chief ng NBI Anti-Human Trafficking Division, kung totoo na may isang opisyal ng legal section ng ahensiya ang inaresto noong Lunes.

“Confirmed ba na ‘yung pinuno ng NBI legal assistance bureau, si Joshua Paul Capiral, ay inaresto kagabi dahil sa pagtanggap ng bribes mula sa miyembro ng pastillas gang kapalit sa hindi pagsali sa kanila sa mga charges?” tanong ni Hontiveros.

Kinumpirma naman ni Francisco ang pag-aresto kay Capiral.

“Opo, ma’am, vinerify ko po ‘yung information na ‘yan sa isang official ng legal service namin at kinonfirm na na-entrap nga po itong si Atty. Capiral,” sabi ni Francisco, kasabay ng pagsabing ang reklamo ay isasampa laban kay Capiral sa Department of Justice sa Martes.

Nauna nang sinabi ni Hontiveros na na nagsampa na ang NBI ng kaso laban sa 20 indibidwal, na kibaibilingan ng 19 kawani ng BI ang owner ng isang travel agency na sangkot diumano sa nasabing modus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?