12
nbi
By

NBI official na sangkot sa ‘mega’ shabu lab sa Catanduanes, ililipat sa Makati

Sharing is caring!

Iniutos na ng hukuman sa Makati City Regional Trial Court (RTC) na mailipat sa Makati City Jail mula sa Virac District Jail ang opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI) na si dating NBI Anti-Illegal Drugs Unit Chief Atty. Eric Isidoro na akusado sa natuklasang mega shabu laboratory sa Catanduanes.

Ang kautusan ay inisyu ng mababang korte matapos na pagbigyan ng Korte Suprema ang kahilingan ng Department of Justice (DOJ) na mailipat ang paglilitis sa kaso sa Metro Manila, partikular na sa Makati City RTC, mula sa Virac Regional Trial Court.

Ang commitment order ay pirmado ni Acting Presiding Judge Selma Palacio-Alaras ng Makati RTC Branch 63.

Si Isidoro, na may ranggong Director I sa NBI, ay ang may-ari ng property sa Virac kung saan nadiskubre ng pulisya ang isang ‘mega shabu laboratory’ noong 2016.

Nahaharap siya sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 dahil sa pakikipagsabwatan sa paggawa ng iligal na droga.

Una nang hiniling sa Korte Suprema ni dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na mailipat sa Metro Manila ang pagdinig sa nasabing drug cases matapos itong magduda sa partiality o pagiging patas ni Virac Regional Trial Court (RTC) Branch 43 Judge Lelu Contreras na pinaniniwalaang naiimpluwensyahan ng mga pulitiko sa Catanduanes.

November 2016 nang matuklasan ang nasabing mega shabu laboratory sa Virac kasabay ng pagkakasamsam sa raid ng 22.509 kilos ng shabu, at 359 kilo ng ephedrine at iba pang kemikal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?