61

Apr 11, 2020 @ 10:20
By

NBI nagbabala sa mga scammer sa panahon ng COVID pandemic

Patuloy ang panggagantso ng ilang scammer sa kabila ng nararasang krisis ng bansa dulot ng COVID-19 pandemic.

Kaya naman nagbabala si National Bureau of Investigation officer-in-charge Rudy Distor sa ilang modus ng mga scammer na talamak ngayong laganap ang virus.

Aniya, hindi dapat ipagkatiwala ang inyong mga personal information sa mga kahina-hinalang email na posibleng magamit para manakaw ang inyong mga pera.

Iwasan din ang pag-click ng mga kahina-hinalang link tungkol sa virus, donasyon, free food campaign, online food purchase, dahil posible itong magamit para makuha ang inyong mga salapi.

Mag-ingat din sa mga email na nagpapanggap ng galing mula sa ilang ahensya tulad ng Department of Health, Department of Trade and Industry, Research Institute for Tropical Medicine, at Inter-Agency Task Force for Emerging Infectous Disease, na naglalabas ng impormasyon ukol sa virus.

Mag-ingat din sa mga phishing email o mga pekeng email na nagpapanggap na galing sa inyong mga banko. Mabuting tawagan muna ang inyong mga banko bago gumawa ng aksyon.

Eto ang ilan sa mga halimbawa ng scam ukol sa COVID-19:

1. Treatment scams
2. Supply scams
3. Provider scams
4. Charity scams
5. Phishing scams
6. Apps scams
7. Bank/Financial scams
8. Investment scams
9. Online selling
10. Other modus operandi or other scam methods

Kapag sa tingin ay kahina-hinala ang natanggap na mensahe, text o email, maaring tumawag sa NBI Operation Center sa numerong 0961-734-9450, gayundin sa NBI Anti-Fraud or Cybercrime Divisions (85238231-38). Pwede ring magtungo sa website ng NBI (www.nbi.gov.ph) o sa kanilang NBI Facebook account na National Bureau of Investigation.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?