21
atm-skimming

NBI nagbabala sa ATM skimming

Sharing is caring!

Binalaan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang publiko laban sa automated teller machine (ATM) skimming matapos ang pagkawala ng pera ng ilang mga depositor ng Banco De Oro (BDO) na hinihinalang biktima nito.

Nagreklamo ang ilan sa mga ito na nahihirapang maibalik ang kanilang mga pera na nawala sa kanilang mga ATM card.

Ayon kay Vic Lorenzo ng NBI-Anti Fraud Division, dapat na maging mapagmatyag at maingat sa pagwi-withdraw ng pera sa mga ATM card.

Pinayuhan nito ang mga depositor na magdeposito sa mga bangko na may ‘security features’ ang ATM card para hindi makopya ang mga detalye sa mga ATM card.

Dapat din aniyang mag-withdraw sa mga ATM booth na may mga nakabantay na security guard para masiguro na hindi nakabitan ng skimming device ang ATM booth.

Huwag din umanong maglagay ng malaking pera sa ATM card at mas mabuting ideposito na lamang ito sa passbook account para makatiyak na hindi mananakaw ang pinaghirapang pera.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?