29

By

NBI: May mananagot sa pagkalas ng bagon ng MRT-3

Sharing is caring!

Tiniyak ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Dante Gierran na may makakasuhan kaugnay ng nangyaring pagkalas ng bagon ng MRT-3 noong nakaraang linggo.

Sinabi ng opisyal na pinamamadali na niya ang imbestigasyon sa naturang insidente. Ito ay lalo’t nakasalalay aniya ang kaligtasan ng publiko.

Nilinaw naman ni Gierran na hahayaan niya muna ang kanyang mga tauhan na tingnan ang lahat ng mga anggulo sa usapin.

Wala rin aniyang sasantuhin ang NBI sinuman ang tutumbukin ng kanilang imbestigasyon.

Si Atty. Joel Tovera, ng NBI Special Action Unit, ang itinalagang manguna sa imbestigasyon,kasama na rito ang pagkawala ng tinatawag na messma card o ang umano’y ‘block box’ ng tren.

Umaasa naman ang NBI na nakikipagtulungan ang lahat lalo na ang mga taga-DOTr, upang magbigay ng mga mahahalagang impormasyon sa ikabibilis ng pagresolba ng kaso. (Ricklove Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?