39

Mar 29, 2020 @ 20:36
By

NBI magbabantay sa mga medical supply

Upang masiguro na ang lahat ng medical supplies na ni-release ng Bureau of Customs (BOC) ay hindi mahaharang o maliligaw, bibigyang seguridad ng National Bureau of Investigation ang mga shipment hanggang makarating ito sa dapat na storage warehouse, ayon sa top official nito.

“All medical supply shipments will be escorted by agents of NBI until it arrived at the designated warehouse to ensure no untoward incident takes place,” sinabi ni NBI Director Eric Distor sa Politiko.com.

“Medical supplies are hot cargo, we just want to ensure that no one makes money out of it, especially at this time of crisis,” paliwanag pa ni Distor.

Dagdag niya, nangako umano ang BOC na ibibigay ang kinakailangang impormasyon para sa “problematic shipments for investigation.”

Nagkakaroon na umano ng inter-agency coordination para masawata ang tumataas na paglabag ng ilang indibidwal na sinasamantala ang krisis sa coronavirus disease, ani pa ni Distor.

Nagpapatuloy umano ang NBI sa pagsasagawa ng mga operasyon laban sa mga hoarder at mga tindahan na nagbebenta ng overprice na produkto sa pakikipagtulungan ng Department of Trade and Industry.

Sa ilalim ng Republic Act 11469 o Bayanihan to Heal As One Act, may kaparusahang pagkakakulong ng dalawang buwan at/o multang P1 milyon ang mga krimen tulad ng hoarding, profiteering, injurious speculation, manipulations of price, product deception, cartel at monopolyo o mga kombinasyon nito, ayon pa sa opisyal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?