716
NBI: Kapa Ministry, isang criminal enterprise hindi religious organization
Jun 12, 2019 @ 16:44
By

NBI: Kapa Ministry, isang criminal enterprise hindi religious organization

Sinabi ng National Bureau of Investigation (NBI) na may mga agent silang nagpamiyembro sa Kapa Ministry International Inc. para umano malaman ng insider kung ano ang nangyayari sa loob ng organisasyon.

Napatunayan umano na mula sa unang araw pa lang, na walang nakitang religious activities sa Kapa.

Ayon kay Deputy Director Antonio Pagatpat, tinatawag lang ng Kapa ang grupo nila na religious group pero ang istilo umano ng mga ito ay papipilahin ang mga tao, magpi-fill up ng form, magbibigay ng pera at tapos ay naka-schedule na sila na bumalik matapos ang isang buwan para kunin ang ipinangakong 30% payouts.

Dagdag pa ni Pagatpat, ang problema umano ay walang panggagalingan sa 30% kaya maliwanag na ang ibinibigay na porsiyento sa mga first investor ay nanggagaling sa mga susunod na investor.

Darating aniya ang panahon na hindi na masusustena ang mga payout dahil hihinto ang pag-invest ng mga tao.

Sabi naman ni Deputy Director Ferdinand Lavin, ginawang cover lang umano ng Kapa ang relihiyon para hindi masilip ng gobyerno dahil sa separation of the church and the state.

“Ito kasi ang nakikita na medyo maraming followers so to speak but ang totoo nito is they’re operating as a criminal enterprise. It’s not a religious organization at all,” wika pa ni Lavin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?