23

Feb 25, 2021 @ 17:50
By

NBI kakalkalin engkuwentro ng PDEA, PNP

Inatasan ng Department of Justice ang National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng sarili nitong pag-iimbestiga sa nangyaring barilan sa pagitan ng mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Quezon City noong Miyerkoles.

“I have ordered the NBI to conduct a parallel investigation on the alleged misencounter this evening between PNP anti-illegal drug operatives and PDEA agents at Commonwealth Avenue,” lahad ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa inilabas na statement nitong Miyerkoles.

Dagdag niya, ang imbestigasyon ng NBI ay hiwalay pa sa ginagawang pagsisiyasat ng PNP at PDEA.

Nasa dalawa ang nasawi habang apat pa ang malubhang nasugatan nang magbarilan ang mga operatiba ng PNP at PDEA malapit sa Ever Gotesco Mall sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?