13

Jan 8, 2021 @ 19:10
By

NBI iimbestigahan na rin nangyari kay Dacera

Iimbestigahan na rin ng National Bureau of Investigation (NBI) ang nangyari kay Christine Dacera na humantong sa kanyang pagkasawi noong Enero 1.

Ito ay matapos utusan ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang NBI na gumawa na rin ng sariling pagsisiyasat sa kung ano ang tunay na ikinamatay ng 23-anyos na flight attendant.

Ayon sa inilabas na department order kahapon, Enero 7, sinsasabi na dapat makulong ang sinomang may kinalaman sa pagkamatay ng dalaga oras na mapatunuyang may krimen na nangyari kaya ito binawian ng buhay.

Nakasaad din sa utos ang regular na pag-uulat ni NBI OIC Eric Distor sa kalahim hinggil sa takbo ng imbestigasyon na magtatagal ng 10 araw.

Nakatakda namang magsagawa ng preliminary investigation ang Makati Prosecutor’s Office sa darating na Miyerkoles, Enero 13.

Magugunitang pinalaya ang tatlo sa 11 hinihinalang suspek dahil ayon sa pulisya, kulang pa ang ebidensyang hawak nila kaugnay sa pagkamatay ni Dacera.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?