71

Dec 25, 2017 @ 11:08

NBI iimbestigahan ang sunog sa mall sa Davao

Inatasan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang National Bureau of Investigation (NBI) na masusing imbestigahan ang sunog sa isang mall sa Davao City noong Sabado.

Walang pang detalye hinggil sa saklaw ng imbestigasyon ng NBI dahil hindi pa inilalabas ng tanggapan ni Aguirre ang department order.

Isang bangkay na ang narekober sa nasusunod na NCCC Mall habang 36 na iba pa, karamihan ay mga call center agents ang nanatiling nawawala.

Pinaniniwalaang nasawi na ang mga ito matapos lamunin ng apoy ang nasabing gusali noong Sabado.
Hanggang ngayon ay hindi pa malaman ang pinagmulan ng sunog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?