81

By

NBI iimbestigahan ang mga PDEA, PNP official na sangkot sa drug matrix ni Duterte

Sharing is caring!

Pasok na rin ang National Bureau of Investigation (NBI) sa pagsisiyasat sa diumano’y pagkakasangkot sa kalakaran ng iligal na droga ng ilang matataas na opisyal ng pulisya, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Bureau of Customs (BOC).

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, inatasan na niya ang NBI para magsagawa ng parallel investigation kaugnay sa ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ilan sa mga opisyal ng nabanggit na mga ahensya ay nagre-recycle ng mga nasamsam na shabu mula sa mga drug operations.

“I have instructed (NBI) to conduct the parallel investigation to confirm and supplement, if necessary, the intelligence report submitted to the President,” saad ni Guevarra.

Aniya, sakaling makitaan ng sapat na ebidensya, maghahain ang NBI ng reklamo sa Department of Justice.

Matatandaang ibinunyag ni Pangulong Duterte na base umano sa ulat ng intelligence network, ilan sa mga sangkot na pulis ay sina
Senior Supt. Leonardo Suan, Supt. Lorenzo Bacia, Insp. Lito Pirote, Insp. Conrado Caragdag at Senior Police Officer 4 Alejandro Liwanag.

Idinawit din ng nasabing ulat sina Dating Senior Supt. Eduardo Acierto at Dating PDEA Deputy Director General Ismael Gonzales Fajardo Jr at Jimmy Gubon na mula sa BOC Intelligence and Investigaton Service na isinangkot din sa P6.8 billion shabu shipment na naipuslit mula sa BOC.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?