16

Dec 1, 2020 @ 14:43
By

NBA training simula na uli

Wala pang halos dalawang buwan mula nang matapos ang 2019-2020 NBA season, heto’t ilang linggo na lang ay magsisimula nang muli ang 2020-2021 season.

Nagsimula nang mag-ensayo ang mga team, kasama pa rin sa protocol na NBA ang araw-araw na pagkakaroon ng COVID test para sa mga miyembro ng bawat team.

Bago magsimula ang pre season sa Disyembre 11, hindi pa maaaring magsagawa ng team dinner o kahit na ano pa mang team gathering.

Sa Disyembre 22 magsisimula ang regular season ng liga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?