2,185

By

NBA trading card tumaas ang halaga dahil sa 2 mamamatay-tao

Kakaiba ang naging rason kung bakit biglang umakyat ang presyo ng isang trading card ng NBA na noong 1990-1991 pa nailimbag.

Sa Reddit, usap-usapan ngayon ang trading card ng dating New York Knicks player na si Mark Jackson, ngayon ay league analyst na, dahil sa napansin nilang dalawang lalaki na kitang nanonood sa venue.

Kinilala ang dalawa bilang ang magkapatid na sina Erik at Lyle Menendez, na kilala dahil nakastigo dahil sa mayayaman nilang magulang noong 1989.

Magiging rare na ang nasabing baraha dahil pinapa-pullout na ng eBay ang pagbebenta nito sa kanilang site dahil sa imahe ng dalawang mamamatay-tao.

“You listed an item affiliated with a known murderer. eBay does not allow items that were owned by or affiliated with many murderers and serial killers. While we appreciate that you have chosen to utilize our site, we must ask that you please not relist in this case.

Affiliated with means items that are directly associated with the person. This can include (but is not limited to) objects like photographs, paintings, action figures, flags, sculptures, pins, books authored by the person, items they have owned, etc.” saad sa email na ipinapadala ng eBay sa mga nagbebenta ng card.

Ngunit isa sa mga may hawak pa ng nasabing baraha ay isang local sports journalist dito sa Pilipinas na si Jonas Terrado.

Ayon sa artikulo ng Spin.ph, nakuha niya ang card noon pang late 1990’s at nabili ito sa halaga lamang na P5.

Ngayon ay tinatayang nasa isang libong piso na ito pag ibebenta ng nasa magandang kondisyon.

Ngunit para kay Terrado, hindi niya ibebenta ang nasabing card lalo’t ngayon na nabalutan na ng magandang istorya ang dating hindi pinapansin na baraha.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?