42

Oct 26, 2017 @ 17:30

NBA: Thunder, Nets wagi!

Naikahon ni Russell Westbrook ang kanyang 81st career NBA triple double sa likod ng 28 points, 10 rebounds at 16 assists para tulungan si Paul George na mapanalunan ang unang laban sa dati niyang club.

Umagapay pa sina Carmelo Anthony ng 28 pts. at 10 rebs. habang si New Zealander Steven Adams ay may 17 at 11 para sa Oklahoma City Thunder na tinumba ang bumisitang Indiana Pacers 114-96, kahapon sa Chesapeake Energy Arena sa Oklahoma.

Nakapagbutas lang ang binagabag ng foul at na-fouled out sa may 6:13 pang si George ng 10 pts. sa walong tirada sa 19 minutes.

 Ang tinapat sa kanya ng Pacers na si ex-Thunder guard Victor Oladipo ang namuno sa Indiana sa 35 pts.

“All my focus, everything is to get better and bring all of my talent here,” sabi ni George. “Once I got traded, that’s out of my control. I’m no longer an Indiana Pacer. I enjoyed being there, but this is where my focus is.”

Kinagat naman ni LeBron James ang Brooklyn sa pamamagitan din ng triple na 29-13-10, pero nakakapit hanggang dulo ang Nets pa-112-107 victory sa Cleveland Cavaliers sa Barclays Center.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?