50

May 25, 2019 @ 10:26
By

NBA star babanggain! Gilas vs Jokic sa Fiba World Cup

Isang lehitimong NBA star ang makakaharap ng Gilas Pilipinas sa pagsampa nito sa Fiba World Cup ngayong taon.

Ito’y matapos kumpirmahin mismo ni Denver Nuggets center Nikola Jokic na siya’y sasalang para sa Serbia.

Sa report ng Eurohoops.net ayon sa Serbian State News Agency, 100-percent commited ang 24-year old big man para sa Serbian national team.

“I am very pleased with everything I did in the NBA this season, I had a great year in which I performed at the All-Star Game and was selected in the NBA All-Star Five. For me, the cherry on top of this whole season would be a medal with the national team. I am fully prepared to do my best to achieve this goal”, ayon kay Jokic.

Naging breakout season ni Jokic ang 2018-2019 season, nailistang starter sa NBA All-Star at napabilang pa sa All-NBA First Team kasama ang tulad nina MVP contenders Giannis Antetokounmpo, James Harden at Paul George.

Nag-average ng 20.1 points at 10.8 rebounds, matapos ang limang season na tagtuyot ay nakaabot ng postseason bago pinadapa ng Portland Trailblazers sa West semis.

Ka-bracket ng Gilas ang Serbia sa Group D, kasama pa Italy na hitik din sa mga NBA player, at Angola.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?