16

Oct 24, 2020 @ 10:45
By

NBA season isasakto sa Pasko

Posibleng bago ang Kapaskuhan ay muling magbalik ang NBA para sa kanilang 2020-21 season na balak simulan sa December 22.

Sa balita ng LA Times, sinaad na ang naturang petsa ay para makasigurong makapaglalaro pa ang mga NBA player sa Tokyo Olympics.

Papaikliin din ang regular season, na mula sa 82 games ay gagawin na lang 72.

Hindi pa pinal ang naturang opening dahil kinakausap pa ng NBA ang players union para sa naturang mungkahi.

Dati nang sinabi ni NBA commissioner Adam Silver noong Setyembre na hindi niya nakikitang magbabalik ang liga para sa panibagong season ngayong taon.

Isa pa sa dapat paghandaan ng NBA ay ang muling paglagay ng bubble, ngunit base sa proposal ay aabot sa lima ang pagtatayuan ng bubble na may tig-anim na koponan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?