149

Dec 3, 2021 @ 15:52
By

NBA record! Grizzlies tinambakan ng 73 points ang Thunder

Nagmarka ng NBA record ang Memphis Grizzlies matapos ilampaso ang Oklahoma City Thunder, 152-79.

Siyam na Grizzlies player ang nag-ambag ng double figures para itala ng koponan ang “largest margin of victory” sa National Basketball Association history.

Ang Grizzlies ang kauna-unahang team sa league history na nanalo ng hindi bababa sa 70 ang kalamangan. Huling hawak ng Cleveland Cavaliers ang record nang durugin sa 68 puntos na kalamangan ang Miami Heat, 148-80, noong December 17, 1991.

Nanguna sa ratsada ng Memphis si American Jaren Jackson sa binuslong 27 points, habang tumapos ang Spanish power forward na si Santi Aldama ng 18 points at 10 rebounds.

Ito na ang ikatlong sunod na panalo ng Grizzlies kahit wala ang all-star guard na si Ja Morant dahil sa injury.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?