51
NBA playoffs i-suspend para sa Avengers! – Brooklyn Nets guard
By

NBA playoffs i-suspend para sa Avengers! – Brooklyn Nets guard

Umabot na rin ang ‘Avengers: Endgame madness’ maging sa NBA.

Sa tweet ng Brooklyn Nets guard na si Spencer Dinwiddie, hiling nito na sana’y huwag sumakto sa laro ng kanilang koponan ang first day ng last installment ng Avengers.

Malubha pa ang pagkaadik sa Marvel franchise movie na sinabing ideklarang national holiday ang April 26 para lamang sa pelikula.

“Listen here @NBA I AM OFFICIALLY PUTTING IN MY REQUEST! NO PLAYOFF GAMES ON THE 26th, NATIONAL HOLIDAY…” aniya.

Kasalukuyang nasa sixth spot ng Eastern Conference ang Brooklyn, samantalang si Dinwiddie ang isa sa leading NBA Sixth Man of the Year na kumakana ng 17.5 points kada laro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?