8

Sep 29, 2020 @ 0:09
By

NBA player timbog sa ‘damo’

INARESTO si Minnesota Timberwolves player Malik Beasley ng mga awtoridad matapos ang possession ng marijuana at pagtatago sa ninakaw na ari-arian.

Nag-ugat ang paglambat sa 23-anyos na National Basketball Association (NBA) journeyman nang may magreklamo sa pulis na nanutok siya ng baril.

Pinuntahan ng otoridad ang cager sa kanyang tirahan sa Minneapolis at dinala agad sa kostudya nitong Sabado ng gabi.

Ayon sa Timborwolves, alam na nila ang sitwasyon ng kanilang manlalaro at kumukuha pa ng ibang impormasyon.

“We are aware of the situation involving Malik Beasley and are in the process of gathering information at this time,” saad ng koponan.

Sa ngayon ay nakalaya naman na ang basketbolista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?