17

Oct 1, 2020 @ 16:46
By

NBA nakabantay sa pagbabalik ng PBA

Hindi lang Fiba ang tumututok kung magiging matagumpay ba ang sariling bersyon ng ‘bubble’ ng Philippine Basketball Association (PBA).

Ayon kay NBA Asia managing director Scott Levy, maging sila ay nakamasid din sa pagbabalik ng local league simula sa October 11.

Ayon kay Levy, matibay ang kanilang koneksyon sa naturang liga at nagbahagi din ng ilang protocol ng NBA na pwedeng magamit sa PBA.

“We’ve shared them with the PBA, and we are staying connected, and available for any questions that they may have. We are rooting for them to be successful, and very excited that the PBA will be starting up again soon,” saad ni Levy.

Isa ang NBA sa mga nagpasimula ng bubble setup sa mundo ng sports, kung saan dineklara ni league commissioner Adam Silver na simula noong Hulyo hanggang makaabot sa NBA Finals ay walang staff o player na nagpositibo sa COVID-19.

“Many leagues around the world, anybody who wants them, we will share. We’re all in this together,” ayon naman kay Levy sa kahandaang ibahagi ang kanilang protocol para sa bubble concept.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?