22

Jul 27, 2020 @ 15:33
By

NBA lipat-bakuran na sa TV5

Nakahanap na ng bagong tahanan ang NBA sa Philippine television.

Nagkasundo sa three-year deal ang international league at Cignal TV, katuwang ang Smart Communications, para ipalabas ang kanilang mga laro sa free television, satellite at streaming.

Smula sa July 31 ay magsisimula nang ipalabas sa TV5 at One Sports ang mga laro sa NBA bubble, ang buong Conference Finals naman ay mapapanood sa dalawang channel.

Habang ang 2020 NBA Finals ay eksklusibong matutunghayan sa TV5.

Bukod pa diyan, maglalabas din ang Cignal ng NBA TV Philippines, isang 24/7 channel para lamang sa usapin at mga laro ng NBA sa high definition.

“The NBA restart is set against a uniquely challenging moment in time for our fans in the Philippines, who are among the most passionate and dedicated NBA supporters in the world,” ayon kay NBA Asia Managing Director Scott Levy.

“We are excited to partner with Cignal and Smart to bring NBA games to a nationwide audience, and we hope to play a role in lifting the spirits of Filipinos by bringing our fans together through their shared love of the game.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?