15

Jan 12, 2021 @ 18:38
By

NBA kinansela mga laro, players nagkakauubusan na

Bukod sa Miami Heat vs. Boston Celtics, kanselado rin ang laro ng Dallas Mavericks at New Orleans Pelicans mamaya.

Damay rin ang laro ng Chicago Bulls at Boston Celtics na nakatakda sanang ikasa bukas.

Ipinagpaliban muna ang mga laro dahil sa Covid-19 at mga isyung may kaugnayan sa contact tracing.

Nagkakabausan na kasi ng mga player ang mga koponan.

Naitala kahapon na walong manlalaro lamang ang present sa Celtics dahil ang ibang kasamahan nila ay naka-quarantine.

Kasalukuyang nasa apat na laro na ang kinansela ng NBA.

Ayon sa ulat, nakatakdang magpulong ngayong araw ang NBA at National Basketball Players Association hinggil sa mga ipatutupad na mga health protocol sa mga player. (

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?