28
views
erving

NBA: Julius ‘Dr. J’ Erving isinugod sa ospital

Sharing is caring!

Isinugod sa ospital si dating 76ers great at hall of famer Julius ‘Dr. J’ Erving nang biglang sumama ang pakiramdam sa laban ng Philadelphia nitong Biyernes (Sabado, Manila time).

Sa pahayag ng pamunuan ng Sixers, kasalukuyan nang pinag-aaralan ang lagay ng kalusugan nito.

Nanguna si Erving sa seremonya ng Liberty Bell para sa pagsisimula ng laban ng Sixers kontra Detroit Pistons,  isang parangal sa naimbento niyang “cradle dunk” nang makalaban ang Los Angeles Lakers, 35 taon na ang nakalipas.

Ang 67-anyos na na si Erving ay ikaapat sa nangunguna sa iskoring ng 76ers at ikapitong NBA’s all-time leading scorer na may naitalang 30,026 career points.

Nakuha siya bilang Most Valuable Player ng NBA taong 1981 at hinatid ang Philadelphia sa NBA championship noong 1983.

Nakilala si ‘Dr. J’ sa pamoso niyang rock the baby “cradle dunk” na una niyang ginawa sa laban noon ng Sixers sa Lakers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?