36
Jimmy Butler
Feb 24, 2018 @ 16:01

NBA: Jimmy Butler, sasalang sa MRI sa tuhod

Nagtamo ng injury sa kanyang kanang tuhod si Minnesota Timberwolves All-Star guard Jimmy Butler at kinailangan siyang ilabas ng court sa laban kontra Houston Rockets.

Natamo ni Butler ang injury sa third quarter nang dumaklot ng rebound sa sarili niyang mintis.

Pagbagsak niya ay sapo-sapo na niya ang kanyang tuhod.

Nakatakda na siyang sumalang sa MRI exam sa Minnesota para masuri ang pinsala sa kanyang tuhod.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?