52
ABANTE James Harden houston magic
Jan 31, 2018 @ 13:53

NBA history: James Harden, nagtala ng 60 points kontra Magic

Naging unang player si James Harden sa NBA history na nakapagtala ng 60 points sa triple-double niya sa paggapi ng Houston Rockets sa Orlando Magic, 114-107, nitong Martes (Miyerkoles, Manila time).

Lumagare ng 18 points si Harden sa fourth quarter para tabunan ang 57 points noon ni Calvin Murphy taong 1978.

Tabla sa 107 ang iskoring, sa basket ni Marreese Speights sa apat na minutong nalalabi sa laro.

Walang nakakaiskor sa magkabilang panig sa loob ng dalawang minuto hanggang sa tumikada si Harden ng anim na sunod at naging 113-107 ang iskor, 45 segundo na lang ang nalalabi.

May 4 steals at 10 rebounds din si Harden sa kanyang triple-double.

Lumaban na kulang sa tao ang Rockets. Wala sina Chris Paul at Trevor Ariza dahil sa mga injuries.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?