40

Jan 23, 2020 @ 22:43
By

NBA: Harden, Russell nagmadyik

Ginawan ng paraan nina James Harden at Russell Westbrook na maputol ang four-game skid ng Houston Rockets sa bisa ng 121-105 panalo kontra Denver Nuggets Miyerkoles ng gabi.

Naglista si Westbrook ng 28 points, 16 rebounds at 8 assists, tumapos ng 27 pts. si Harden. Mula sa field ay 11 of 25 si Westbrook, kinapos sa pangalawang sunod sana niyang triple-double pero may 4 steals pa.

Umiskor si Harden ng 20 sa first half, tumikada ng 2 for 6 sa 3-pointers matapos ang malamyang 1 for 17 shooting kontra Oklahoma City noong Lunes. Dalawa lang ang sumablay sa kanyang 15 shots sa free throw line.

Umayuda ng 25 points si Eric Gordon mula 6 for 8 3-point shooting, may 14 points at 11 rebounds si Clint Capela sa Houston.

Tatlong starters ang wala, binalikat ni Nikola Jokic ang Nuggets sa kinamadang 19 points, 12 rebounds at 10 assists – pang-walo niyang triple-double ng season. Nag-ambag ng 17 points at 7 rebounds si Jerami Grant.

Na-outscore ng Houston ang Denver 31-10 tungo sa 56-36 lead 3 ½ minutes pa sa first half. Abante ang Rockets 60-43 sa half, hindi na dumikit ng mas mababa sa 13 ang Nuggets.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?