47

Mar 21, 2020 @ 18:49
By

NBA hanggang April 1 lang magpapasahod

Hanggang sa April 1 na lamang nakasalalay ang sahod ng mga NBA player.

Ito ay ayon sa nilabas na report ni ESPN Adrian Wojnarowski nitong Biyernes ng gabi matapos maganap ang kanselasyon ng mga laro dulot ng pandemic coronavirus o COVID-19.

Sa mga susunod na buwan ay hindi pa tiyak kung buo pa nilang makukuha ang sahod dahil sa bumagsak ang liga dulot ng pagkansela ng mga laro dahil sa coronavirus.

Dahil sa shutdown ng liga, maaaring mabawasan ang sweldo ng mga player sa ilalim ng collective bargaining agreement ng 1/92.6 per cancelled games dahil sa ‘catastrophic circumstance’.

Magugunitang matapos magpositibo ni Utah Jazz center Rudy Gobert ay agad na sinuspinde ang mga laro upang maiwasan ang magkahawaan.

Posible naman na ibalik muli ang liga sa Hunyo ngunit prayoridad muna nila ngayon ang kalusugan at kalagayan ng mga manlalaro, managements, fans at iba pang sakop ng liga.

Sa ngayon ay may 14 NBA player na ang nagpositibo kabilang na rito sina Gobert, Donovan Mitchell, Kevin Durant, Christian Wood at Marcus Smart.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?