26

Dec 30, 2019 @ 17:22
By

NBA: Gilgeous-Alexander pabida sa Thunder

Umuwi ng Canada si Shai Gilgeous-Alexander para pantayan ang career-high sa pamamagitan ng pabandang tira na naging winning basket.

Umiskor si Gilgeous-Alexander ng 32, nag-deliver si Chris Paul ng 25 points, 11 rebounds at 8 assists, at hiniya ng Oklahoma City Thunder ang Toronto Raptors 98-97 Linggo ng gabi.

Nag-ambag si Nerlens Noel ng 13 points, may 11 pa si Darius Bazley sa OKC.

Pinangunahan ng tig-20 points nina Kyle Lowry at Fred VanVleet ang Raptors, may 12 points at 14 rebounds si Serge Ibaka.

Pinabanda ni Gilgeous-Alexander ang go-ahead basket 36 seconds na lang, bago dinamba ang rebound sa mintis na 3-pointer ni VanVleet.

Ipinanganak sa Toronto at lumaki sa kalapit na Hamilton si Gilgeous-Alexander, tatlong beses umiskor ng 32 sa huling limang laro.

“This one might be the best one so far,” aniya.

Ang winning basket ni Gilgeous-Alexander ang pang-anim na sunod na scoring play para magpalit ng lead sa final quarter. Siyam sa 20 lead changes ng laro ay nilista sa fourth.

Inari ni Gilgeous-Alexander ang record ng most points ng isang Canadian player laban sa Toronto. Parehong umiskor noon ng 31 sina Rick Fox at Andrew Wiggins laban sa Raptors.

Nagbiro pa si Paul na magyayabang na naman si Gilgeous-Alexander sa pagiging record-holder.

“Oh, man, we ain’t going to hear the of that,” ani CP3.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?